Schrock, Pagdanganan gagawaran ng special awards
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gagawaran ng special awards sina Stephan Schrock ng football at B­ianca Pagdanganan ng golf sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng The Manila Hotel.

Ibibigay kay Schrock ang Mr. Football award habang si Pagdanganan ang kauna-unahang Ms. Golf winner sa naturang programa na magsisimula sa alas-7 ng gabi.

Makakasama nina Schrock at Pagdanganan sa mga special awardees sina Jack Animam (Ms. Basketball), Thirdy Ravena (Mr. Basketball), Sisi Rondina (Ms. Volleyball), Bryan Bagunas (Mr. Volleyball) at Pat Aquino (Coach of the Year).

Pinangunahan ni Pagdanganan ang golf team sa pagkopo ng dalawang ginto sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas noong Dis­yembre.

Nasungkit ni Pagdanganan ang gintong medalya sa women’s individual event habang nakatuwang nito si Lois Kaye Go sa pagsikwat ng women’s team event gold medal.

Nagreyna rin si Pagdanganan sa Hawkeye El Tigre Invitational sa Mexico noong nakaraang taon.

Sa kabilang banda, ito ang ikalawang pagkakataon na igagawad kay Schrock ang Mr. Football award. Una noong 2013.

Ang beteranong midfielder ng Ceres-Negros FC ang nagsilbing lider ng Philippine Azkals at naging team captain ng U22 team sa SEA Games.

Nakasama ni Schrock si goalkeeper Neil Ethe­ridge sa kampanya ng Azkals sa 2022 FIFA World Cup at 2023 AFC Asian Cup qualifiers.

Maliban sa special awards, kikilalanin din ang Team Philippines na itinanghal na overall champion sa SEA Games bilang Athlete of the Year.

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with