Pacquiao âdi sasantuhin si McGregor--Diaz
Manny Pacquiao (kaliwa) at MMA champion Conor McGregor.
Pacquiao ‘di sasantuhin si McGregor--Diaz
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

Kung matuloy ang laban

MANILA, Philippines — Hindi sasantuhin ni eight-division world champion Manny Pacquiao si Mixed Martial Arts champion Conor McGregor sa oras na magkrus ang kanilang landas sa ibabaw ng ring.

Hindi pa man pormal na naikakasa ang labang Pacquiao-McGregor, kaliwa’t kanan na ang naglabasang prediksiyon mula sa bo­xing experts at world-class trainers.

Isa na rito si veteran boxing Mexican-American trainer Joel Diaz na naniniwalang gugulpihin lang ng Pinoy champion si McGregor kung matutuloy ang kanilang paghaharap.

Ayon kay Diaz, hindi tatagal si McGregor dahil sa kabila ng kanyang edad na 41-anyos, mabagsik ang kamao ni Pacquiao na lutang na lutang sa kanyang huling dalawang laban noong nakaraang taon.

Hindi aniya lalampas ang pitong rounds at posibleng bumagsak si McGregor, ayon pa kay Diaz.

“Manny knocks out Conor. It won’t go past seven rounds, I guarantee you that,” ani Diaz sa pa­nayam ng EsNews.

Malayo si Pacquiao kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

Magugunitang nilaro muna ni Mayweather si McGregor sa kanilang pagtutuos noong Agosto 26, 2017 bago itinarak ang 10th-round knockout win sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

“Floyd (Mayweather)carried him (Conor McGregor) to give the people a show. Floyd could’ve knocked him out, but the thing is this, you are mixing two different sports MMA and Boxing,” ani Diaz.

May mga nahawakan nang boksingero at MMA fighters si Diaz.

Ipinaliwanag ni Diaz na magkaibang-magkaiba ang estilo ng mga boxers kumpara sa MMA fighters.

Sa sparring session, madalas na dominado ng mga boksingero ang mga MMA fighters.

“I have professional boxers and I have MMA fighters and when they’ve sparred each other the bo­xer always dominates the MMA fighter. If we switch the cards and Manny Pacquiao goes into Conor McGregor’s world, it’s a different story. A lot of people want to see that type of circus. It’s a money circus, big money,” ani Diaz.

Kasalukuyang hawak ni Pacquiao ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

Magbabalik-aksyon ito sa Hunyo o Hulyo kung saan sina Errol Spence Jr., Danny Garcia, Mikey Garcia, Shawn Porter at Mayweather ang mga pa­ngunahing kandidato.

CONOR MCGREGOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with