Nag-selfie ang Japan Shuttlers matapos angkinin ang korona sa women’s division ng 2020 SMART Badminton Asia Manila Team Championships kahapon sa RMSC.
Jun Mendoza
Japan Shuttlers reyna ng Badminton Asia
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napanatili ng defen­ding women’s champion Japan ang titulo matapos patumbahin ang karibal na South Korea, 3-0, kahapon sa 2020 SMART Badminton Asia Manila Team Championships women’s division sa Rizal Memorial Coliseum.

Naisalba ni dating world No. 1 Akane Yamaguchi ng Japan ang tatlong match points tungo sa 21-18, 19-21, 23-21, come-from-behind panalo kontra sa Koreanong si An Se Young na umabot ang laban ng mahigit isang oras at 23 segundo sa unang singles match.

Hinabol ni Yamaguchi ang 16-20 deficit para itakas ang malaking panalo na nagbigay karagdagang tiwala sa kanyang teammates na sina Yuki Fukushima at Sayaka Hirota na nagwagi sa doubles match laban kina Lee So Hee at Shin Seung Chan, 21-16, 21-16.

Tangan ang 2-0 bentahe, lalong tumibay si Sayaka Takahashi para pataubin ang Korean No. 2 na si Sung Ji Hyun, 21-16, 21-12, sa ikalawang singles match para muling iuwi ang women’s title sa ikalawang sunod na pagkakataon.

“I was very confident that we could be cham­pions with this team. I’m happy that we became champions. It was a good experience for the next ones to come,” pahayag ni Takahashi na kasama rin sa Japanese team na nagkampeon noong 2018.

Tinalo rin ng Japan sa pangunguna ni Yamaguchi ang China, 3-0, noong 2018 na ginanap sa Stadium Sultan Abdul Halim ng Alor Setar, Malaysia.

Kasama rin sa back-to-back champion Japan women’s team sina Aya Ohori, Riko Gunji, Mayu Matsumoto, Nami Matsuyama, Wakana Nagahara at Chiharu Shida.

Nakopo naman ng Malaysia at Thailand ang bronze medals sa anim na araw na kumpetisyon na unang ginanap dito sa Pilipinas.

Dahil dinomina nila ang Asian Team championships, aabante ang Japan at South Korea kasama ang Malaysia at Thailand sa 2020 Uber Cup nga­yong Mayo 16-24 sa Aarhus, Denmark.

BADMINTON ASIA MANILA TEAM CHAMPIONSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with