San Juan, Pampanga puro na
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumandal ang top seed San Juan kay John Wilson upang maka-eskapo laban sa No. 8 seed Pasay, 75-74 habang nagwagi naman ang Pampanga kontra sa Bataan, 71-64, sa best-of-three quarterfinals ng Northern Division sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-to-Go Lakan Cup sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Tumipak ang beteranong si Wilson ng pitong puntos sa huling yugto at nag-split si Jhonard Clarito sa dalawang free throws sa huling siyam na segundo para itakas ng Datu Cup champion San Juan Knights ang malaking panalo at pangunahan ang serye, 1-0.

Hangad ngayon ni San Juan head coach Randy Alcantara na tapusin ang serye at muling umusad sa best-of-5 semifinals sa Pebrero 20 sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City.

Bukod kay Wilson at Clarito, tumulong din ng 15 puntos, dalawang rebounds, limang assists at dalawang steals si Rian Michael Ayonayon at tig-11 puntos sina Wilson at Larry Rodriguez. Si Clarito ay umani ng 13 puntos na may kasamang siyam na rebounds at isang steal para sa Knights.

Sa kabilang banda, agad humataw ang No. 4 seed Pampanga Giant Lanters ng 17-0 run para iwanan ang No. 5 seed Bataan Ri­sers.

Ang naturang abante ay kanilang pinalobo sa 30 puntos, 48-18, sa unang minuto ng ikalawang yugto at ang malaking agwat ay siyang sinandalan ng Pampanga sa huling hirit ng Risers sa ika-apat na yugto.

Pinangunahan ni Levi Hernandez ang Giant Lanterns sa kanyang 18 puntos at limang rebounds at tumulong din ng 13 puntos, isang rebound at isang steal si Reil Cervantes at sampung puntos naman mula kay Jeric Fabian.

Inaasahan naman ni Pampanga head coach Bong Ramos ang resbak ng Bataan ni head coach Jonas Villanueva sa Game 2 ng serye sa Huwebes City.

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with