^

PSN Palaro

UE fencers kampeon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang makatibag sa University of the East matapos walisin ang kampeonato sa UAAP Season 82 fencing tournament na ginanap sa Paco Arena sa Maynila.

Humakot ang Red Warriors ng limang ginto at isang pilak para hablutin ang korona sa men’s division - ang ikawalong sunod at ika-14 kabuuang titulo ng Recto-based squad sa liga.

Magarbong tinapos ni Sammuel Tranquilan ang pla­ying year nito sa UAAP matapos angkinin ang ikatlong sunod na Season MVP award.

Sa paglisan ni Tranquilan sa UE, naniniwala ang Red Warriors na ipagpapatuloy ang kanilang dominasyon dahil maraming bagitong kayang sundan ang kanyang yapak.

“Marami naman tayong mga rising stars na parating. Tuluy-tuloy naman kaming nagte-training mula sa ilalim. Yung transition talaga namin, malalim,” ani UE coach Amatov Canlas.

Pumangalawa naman ang Ateneo de Manila University na may isang ginto, tatlong pilak at dalawang tanso habang pumangatlo ang De La Salle University na may isang pilak at limang tanso.

Nagreyna rin ang Lady Warriors na kumana naman ng apat na ginto, isang pilak at tatlong tanso para masikwat naman ang ika-13 korona sa women’s division.

Bumandera sa kampanya ng Lady Warriors si Rookie-MVP Queendenise Dalmacio na isa sa mga aasahan ng tropa sa mga susunod na edisyon ng liga.

Sumegunda ang La Salle na may isang ginto, dalawang pilak at isang tanso habang nahubaran ng korona ang Ateneo na nagkasya sa tanso bitbit ang isang ginto, isang pilak at dalawang tanso.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with