^

PSN Palaro

Why o why?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

May hiningi raw si Greg Slaughter na hindi maibigay ng Ginebra management kaya siya nag-decide lisanin ang barangay.

True or false?

Sabi ni Greg, wala raw katotohanan.

Wala raw siyang hinihingi ayon sa mga naiulat gaya ng “no trade” clause. Ibig sabihin, hindi siya pwedeng i-trade ng Ginebra habang buhay ang kontrata niya. 

“Inaccurate theories” ang tawag ni Greg dito.

Wala raw siyang natanggap na contract offer mula sa Ginebra kaya mas lalong wala siyang demands. In short, walang negosasyon.

Ang basa ko rito, wala talagang balak ang Ginebra na i-renew ang kontrata ni Greg matapos itong mag-expire after the 44th season at matapos ang anim na taon niyang pamamalagi sa Barangay.

At ano ang kasunod nito?

Eh di, trade.

Mas malakas kasi ang ugong na dadalhin siya ng Ginebra sa NorthPort kapalit ni Christian Standhardinger. Pinabulaanan din ito ni Greg.

Pero bakit siya umalis? At sa ibang punto ay parang ayaw na niyang maglaro. May ulat pa na baka raw tulu­yang mag-retire si Greg.

Bakit naman eh 31-years old pa lang siya at siguradong welcome siya sa kahit anong team sa PBA.

Mukhang may malalim na tampo sa Ginebra si Greg na kesa mapakinabangan pa siya nito by trading him for Standhardinger ay umalis na lang siya para mag-bakasyon ng matagal o kaya ay mag-retire.

True or false?

vuukle comment

GREG SLAUGHTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with