_ngayon
^

PSN Palaro

Kalaban ni Ancajas malalaman sa Abril 11

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Kalaban ni Ancajas malalaman sa Abril 11
Jerwin Ancajas

MANILA, Philippines — Sa Abril 11 ay inaasa­hang pormal nang ihahayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang makakasagupa ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight king Jerwin Ancajas.

Sinabi kahapon ni Joven Jimenez, ang chief handler at head trainer ni Ancajas, na wala pa silang naiisip kung sino ang isasagupa ng Top Rank sa Pinoy champion.

“Nagdedepende kami sa matchmaker naming si Sean Gibbons at sa Top Rank kung anong plano nila o kung sino ang gusto nilang ipakalaban nila kay Jerwin,” wika ni Jimenez sa panayam ng PSNgayon.

“Basta palagi kaming naghahanda sa training pati na ang condition ni Jerwin,” dagdag pa ni Jimenez na tiniyak na sa United States gagawin ang laban ng tubong Panabo, Davao City.

Si Gibbons, kasaluku­yang nasa Las Vegas, Nevada sa opisina ng Top Tank ni Bob Arum, ang presidente ng MP Promotions ni Manny Pacquiao.

Kasalukuyang hawak ng 27-anyos na si Ancajas ang kanyang 32-1-2 win-loss-draw ring record kasama ang 22 knockouts.

Itataya ni Ancajas ang kanyang suot na IBF super flyweight sa pang-siyam na sunod na pagkakataon.

Nauna nang nadiskaril ang bakbakan sana nina Ancajas at Jonathan Rod­riguez ng Mexico noong Nobyembre sa Carson, California matapos mabigo ang Mexican na makakuha ng US visa.

Inilipat ng Top Rank si Ancajas sa isang laban noong Disyembre 7 sa Puebla, Mexico kung saan siya umiskor ng isang sixth-round KO win kontra kay Chilean Miguel Gonzalez.

Nagsasanay ngayon si Ancajas sa Dipolog City sa rest house ni Gilbert Cruz, may-ari ng Big Boss Cement at Petra Cement.

Inilipat ng Team Ancajas ang kanilang training camp mula sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite matapos pumutok ang Bulkang Taal.

BOB ARUM SEAN GIBBONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with