Ito ang nilinaw ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kahapon matapos una nang makansela ang laban ng Gilas at Southeast Asian Games silver medallist Thailand na nakatakda sana sa Pebrero 20 sa Smart Araneta Coliseum.
FIBA.com
Gilas VS Indonesia tuloy!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

Philippines-Thailand game kanselado pero...

MANILA, Philippines — Puspusan ang pagha­handa ng Gilas Pilipinas dahil tuloy ang laban nito kontra Indonesia sa FIBA Asian Cup qualifiers sa Pebrero 23 na lalaruin sa Britama Arena sa Jakarta, Indonesia.

Ito ang nilinaw ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kahapon matapos una nang makansela ang laban ng Gilas at Southeast Asian Games silver medallist Thailand na nakatakda sana sa Pebrero 20 sa Smart Araneta Coliseum.

“At 7:55PM, SBP received word from FIBA Asia postponing the Philippines game vs Thailand on Thursday, February 20, 2020 in SMART Araneta in consideration of the Philippine Department of Health Advisory against organizing events with mass attendance” as a precaution re threat of the coronavirus epidemic,” ayon sa SBP.

Nagdesisyon ang FIBA Asia na ipagpaliban muna ang Gilas Pilipinas-Thailand game dahil sa coronavirus outbreak subalit tuloy ang bakbakan ng Gilas Pilipinas at Indonesia.

“However, the game against Indonesia in Jakarta on Sunday, February 23rd will proceed as schedu­led,” ayon pa sa SBP.

Kaya naman tuloy ang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa laban.

Inaasahang ilalabas ni Gilas Pilipinas interim head coach Mark Dickel ang Final 12 ilang araw bago ang laban.

Hindi lang ang Gilas Pilipinas-Thailand ang sinuspinde ng FIBA Asia.

Kasama rin sa mga kinansela ang laban ng powerhouse China at Japan sa Pebrero 21 sa Chiba Port Arena sa Japan at ang engkuwentro ng Chinese-Taipei at Malaysia sa Pebrero 21 sa Taipei Heping Basketball Gymnasium sa Taiwan.

GILAS PILIPINAS THAILAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with