Ramon Fernandez
STAR/File
Pagpapadala ng atleta sa mga Olympics qualifying hihigpitan ng PSC
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maghihigpit ang Philippine Sports Commission sa pagpapadala ng mga atletang lalahok sa ilang qualifying tournaments para makakuha ng tiket sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Ito ay kaugnay sa banta ng 2019-nCoV na lumaganap na sa 23 bansa, kabilang ang Japan na magsasa­gawa ng Olympics sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Ayon kay Philippine Sports Commissioner Ramon Fernandez, kailangan muna nilang pag-aralan ang mga bansang pupuntahan ng mga national athletes.

“Iyong mga trips ngayon ng mga NSAs (National Sports Association) as far as my oversight (committee) is concerned ay mayroong mga qualifying na pupuntahan sila,” wika ni Fernandez. “We just play it by ear. Kung wa­lang mangyaring masama sa mga athletes, tuloy but if not we just have to cancel everything.”

Idinagdag pa ng four-time PBA Most Valuable Player awardee na kailangang pag-aralan ang paglaganap ng coronavirus sa mga bansang pagdarausan ng Olympic qualifying tournaments.

“We have this virus play out in the coming weeks and months because even the IOC is a bit worried. July na ‘yan (Olympics). Lumaki na talaga ito (banta ng coronavirus),” ani Fernandez.

Wala pang opisyal na pahayag ang IOC kung ka­kanselahin ang pagdaraos ng 2020 Olympics sa Tokyo sa Hulyo.

“Countermeasures against infectious diseases cons­titute an important part of our plans to host a safe and se­cure games,” pahayag ng Tokyo Olympic Committee.

Tanging sina world gymnastics champion Carlos Edriel Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena ang na­kakuha ng tiket para sa nasabing quadrennial event.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION RAMON FERNANDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with