Lady Chiefs may misyon sa Lady Generals
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makadikit sa ‘twice-to-beat’ advantage ang target ng nagdedepensang Arellano University sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Makakaharap ng Lady Chiefs ang Lady Gene­rals ngayong alas-12 ng tanghali at magtutuos ang last 2019 runner-up na Per­petual Help at Letran sa alas-2 ng hapon.

Kumpleto na ang Final Four cast, kaya naman pu­­westuhan na lamang ang pinag-aagawan ng na­ngungunang Saint Benilde (7-0), Arellano (6-1), Perpetual Help (6-2) at San Beda University (6-2).

Hawak ng EAC ang 1-7 baraha sa torneo.

ARELLANO UNIVERSITY EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with