^

PSN Palaro

UAAP Season 82 suspendido dahil sa 'novel coronavirus'

James Relativo - Philstar.com
UAAP Season 82 suspendido dahil sa 'novel coronavirus'
Sa Sabado sana magsisimula ang UAAP Season 82 second semester sports para sa athletic year na 2019-2020 sa SM Mall of Asia Arena, kasama ang volleyball tournament.
The STAR, File

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipagpapaliban ang pagdaraos ng mga palaro sa pagitan ng mga mayor na unibersidad sa Pilipinas kaugnay ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), na noo'y tinatawag na novel coronavirus respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Inilabas ng pamunuan ng UAAP ang pahayag matapos ang tatlong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, na ikinamatay na ng isa.

"Bunsod ng COVID-19 outbreak, napagdesisyunan ng UAAP, matapos ng deliberasyon ng Board of Trustees at Board of Managing Directors, na ipagpaliban ang lahat ng sporting events simula Sabado, ika-15 ng Pebrero," sabi ng pamunuan ng asosasyon sa Inggles.

Ang anunsyo ay nilagdaan nina Emmauel Fernandez, UAAP Season 82 president at Rene Andrei Saguisag Jr., na executive director ng samahan. 

Aniya, iniisip lang nila ang kapakanan, kalusugan at kaligtasan ng mga manlalaro, coaches, estudyante, kanilang mga pamilya't fans kung kaya't umabot sila sa nasabing desisyon.

Oobserbahan daw nang maigi ng UAAP ang sitwasyon ng bansa bunsod ng outbreak para malaman kung kailan pinakamainam na ipagpatuloy ang mga palaro.

"Humihingi kami ng inyong pag-intindi at panalangin para sa kaligtasan ng ating komunidad, bansa at iba pang mga bayan na apektado ng pagkalat ng sakit," patuloy ng liham.

Sa Sabado sana magsisimula ang UAAP Season 82 second semester sports para sa athletic year na 2019-2020 sa SM Mall of Asia Arena, kasama ang volleyball tournament.

Una nang ini-reschedule ng Philippine Basketball Association ang pagsisimula ng Season 45 nito pati ang pagbubukas ng PBA D-League sa Marso dahil din sa COVID-19.

Hindi na rin matutuloy ang ika-10 ASEAN Para Games dulot din ng outbreak.

NOVEL CORONAVIRUS

SEASON 82

SUSPENSION

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with