^

PSN Palaro

Postponed

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Wala namang mawawala kung ipagpaliban ng PBA ang opening ng 45th season ng ilang araw.

Ang importante, sabi ni Commissioner Willie Marcial, ay ang safety ng lahat.

Lumalala kasi ang nCoV situation. Mahigit 900 na ang namatay sa China at nagkalat na ang infected.

Tama lang na i-postpone muna ng PBA ang opening mula March 1 sa March 8.

Puwede naman itong maghintay.

Ganoon din ang desisyon na kanselahin ang ASEAN Para Games, ang kakambal ng SEA Games para sa mga special athletes.

Noong January pa sana ito pero naantala dahil sa ka­kulangan ng pondo. Naging Marso at ngayon ay mu­­ling na-cancel.

Sa New Clark City sa Capas, Tarlac gagawin ang mga laro, kasama na rin ang ibang venues sa Clark sa Pampanga at Subic sa Zambales.

Ang kaso nga lang ay sa SEA Games Athletes Village sa Capas dinala for quarantine ang 30 Pinoy na inuwi galing Wuhan, China.

Doon nagsimula ang virus. At nasa Athletes Village sila ngayon.

Ipagdasal natin na negative silang lahat sa virus.

Dahil kung hindi, ibang usapan na ‘yan.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with