_ngayon
^

Lady Bulldogs palaban sa UAAP crown

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Palaban ang National University na nagtataglay ng mas mabagsik na lineup na isasabak sa UAAP Season 82 women’s volleyball wars na magsisimula sa Pebrero 15 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumbinasyon ng bete­rano at bagitong manlalaro ang ipaparada ng Lady Bulldogs na inaasahang mas magiging mabangis sa taong ito upang malampa­san ang sixth-place finish no­ong Season 81.

Mangunguna sa ratsa­da si Fil-Japanese middle hitter Risa Sato na magba­ba­lik-aksyon matapos bi­gong makapaglaro noong na­karaang taon dahil sa aca­demic issues.

Magsisilbing lider ng ko­ponan si Sato na may ma­lalim nang karanasan da­hil sa paglalaro sa commercial league sa bansa.

Bahagi si Sato ng Creamline na makailang ulit nagreyna sa Premier Volleyball League.

“Talagang babawi ako this year dahil hindi ako na­kapaglaro last year. Sobrang nasaktan ako no­on ka­ya parati akong na­nonood sa laro ng NU. Gustung-gusto kong puma­sok sa court,” ani Sato.

Isa pang inaabangan sa NU ang pagpasok ni 6-foot-2 outside spiker Margot Mutshima Kabasu ng Congo na nagtataglay ng pamatay na atake.

Nasilayan na sa aksyon si Kabasu kasama ang La­dy Bulldogs sa University Games kung saan kitang-ki­ta ang dominante niyang laro hindi lamang sa wing side maging sa back row ka­sama pa ang solidong de­pensa sa net.

Makakasama nina Sato at Kabasu sina sophomore middle blocker Ivy Lacsina, libero Jen Nierva, open spi­ker Audrey Paran at rookie setter Renee Mabilangan.

LADY BULLDOGS RISA SATO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with