^

PSN Palaro

Aray ko!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sa last two minutes ng ensayo nung Lunes nadale si June Mar Fajardo.

Ayon sa mga saksi, patapos na ang practice nang tumawag si coach Leo Austria ng last play.

Naka-intercept pa raw ng pasa si June Mar. At habang mabilis itong bumaba para sa layup ay bigla na lang itong napahinto at bumagsak sa sahig.

Complete fracture ng right tibia o kanang alulod ang hatol. Kaya agaran nung Martes ay inoperahan si June Mar.

Malala ang injury at ayon sa management, matagalan ang rehabilitation.

 Baka buong season mawala si June Mar sa eksena. Hindi rin siya makakalaro sa Gilas sa mga parating na laban.

 Apektado ang hangad ng SMB na masungkit ang ika-anim na sunod na Philippine Cup na magsisimula sa March 1.

 Ganun din ang hangad ni June Mar na makuha ang ika-anim na sunod na MVP title. Naka-lima na siya at sa akin, mahirap na ito magawa ng iba unless maglaro ng fulltime sa PBA si Jordan Clarkson.

 Biglang naging wide open race ang labanan para sa MVP title. Pati ang Ginebra, lumakas ang pag-asa na manalo sa Philippine Cup.

 Dahil lang sa biglaang injury ni June Mar.

 Wala naman naghangad nito.

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with