Orcollo sinargo ang Master of the Table title
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinulsa ni Southeast Asian Games gold medalist Dennis Orcollo ang Master of the Table crown sa pres­tihiyosong 2020 Derby City Classic na ginanap sa Caesars Southern Indiana Casino and Hotel sa Elizabeth, Indiana.

Humakot ang two-time world champion ng 210 points mula sa tatlong events para angkinin ang $20,000 top prize.

Nakalikom si Orcollo ng malaking puntos matapos ma­mayagpag sa Derby City Classic-Diamond Bank Pool event kung saan nabiyayaan siya ng 120 puntos kasama pa ang $16,000 premyo.

Umabot naman sa se­mifinals si Orcollo sa Derby City Classic-9-Ball event para magdagdag ng 70 points, habang nagkasya lamang siya sa 20 points matapos pumang-16 sa Derby City Classic-One Pocket event.

Sumegunda sa Master of the Table list si Derby City Classic-One Pocket titlist Billy Thorpe na may 205 points, habang ikatlo si Joshua Filler na may 182 points at ikaapat naman si Derby City Classic-9-ball champion Lee Vann Corteza na may 159 points.

Ito ang ikatlong Master of the Table crown ni Orcol­lo sa Derby City Classic.

Huli niyang nakuha ang pinakamataas na para­ngal noong 2017, habang nag­hari rin siya noong 2014 edisyon.

Naibalik ni Orcollo ang ningning ng bandila ng Pi­li­pinas matapos maagaw ang Master of the Table no­­ong nakaraang taon.

Anim na sunud-sunod na taon na pinaghaharian ng Pilipinas ang Master of the Table.

Nagsimula ang winning streak ng Pinoy cue masters noong 2013 nang masikwat ni Francisco ‘Django’ Bustamante ang torneo na sinundan ni Orcollo noong 2014, at Filipino-Canadian Alex Pagulayan noong 2015 at 2016.

Muling nagkampeon si Orcollo noong 2017 at si Bustamante noong 2018 bago pinutol ni Skyler Woodward ang dominasyon ng Pilipinas noong 2019.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with