^

PSN Palaro

Kobe Fan

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Hindi ako Kobe Bryant fan pero hindi ibig sabihin na hindi ako humanga sa pumanaw na NBA su­perstar.

Dahil lang siguro sa edad ko, na-trap na yata ako kina Larry Bird, Magic Johnson at Michael Jordan.

Pero iba si Kobe. At dahil sa galing niya sa loob ng court, lubos ang respeto ko sa kanya.

Minsan ko lang yata nasilayan si Kobe noong bu­misita siya sa ensayo ni Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles noong 2011.

Kaya karamihan ng alaala ko kay Kobe ay sa pa­nonood ng NBA games sa TV o kaya naman ay sa kanyang mga bisita sa bansa natin.

Isa si Kobe sa pinakamagaling na basketball pla­yers in history.

Walang kokontra.

May mga collection ako ng libro ng mga NBA su­perstars gaya nga nina Jordan, Johnson at Bird.

Pati kay Kareem Abdul Jabbar at ibang mga sinaunang players mayroon ako.

Pero bakit ni isa, wala akong libro ni Kobe?

Siguro dahil hindi pa naman nagtatagal matapos siya mag-retire.

Sa biglaan niyang pagpanaw, nalungkot din ako. Lumuha ang buong mundo.

Sa isang iglap, naging Kobe fan ako.

Bibili na ako ng libro.

vuukle comment

KOBE BRYANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with