^

PSN Palaro

Caloocan humirit pa ng pag-asa

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na pina-iskor ng Caloocan Supremos ang Muntinlupa Cagers sa huling apat na minuto upang itakas ang 63-62 panalo at manatiling buhay ang asam na playoff berth sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Umiskor si Paul Sanga ng walo sa huling 10 puntos ng Supremos upang manatili sa pang-siyam na puwesto sa 15-13 win-loss kartada at half-a-game lamang ang agwat mula 8th spot na ngayon ay hawak pa rin ng Pasay Voyagers sa 15-12 slate sa Northern Division.

Humataw si Sanga ng dalawang triples at dalawang free throws sa huling ratsada ng Supremos para lumapit sa playoff round.

Ngunit, malaking ha­mon para sa Caloocan ang susunod na laban kontra sa solo leader at Datu Cup champion San Juan Knights sa  Pebrero 4.

Sa iba pang laro, tinam­bakan ng Basilan Steel ang Rizal Xentro Mall Golden Coolers, 103-85, para lalong higpitan ang hawak sa third spot sa 18-10 card sa Southern Division.

Naka-eskapo rin ang Iloilo United Royals laban sa Biñan City Luxxe White Krah, 67-63, upang umakyat sa sosyohan sa ika-limang puwesto kasama ang Zamboanga Family Sardines sa parehong 17-11 slate sa South group.

vuukle comment

BASKETBALL

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with