^

PSN Palaro

Lady Chiefs lider na; Lady Altas kinaldag ang Lady Bombers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mabilis na napaamo ng nagdedepensang Arellano University ang San Beda University, 25-20, 25-21, 25-22, para masolo ang liderato sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Walang kupas si two-time Finals MVP Regine Arocha na muling nagpasabog ng 18 puntos buhat sa 13 attacks, tatlong aces at dalawang blocks kasama ang 15 digs para buhatin ang Lady Chiefs sa ikalimang sunod na panalo.

Naiwan sa ikalawang puwesto ang walang la­rong College of Saint Benilde na may 4-0 marka.

Solido ang suporta ni reigning season MVP Necole Ebuen na humataw ng walong attacks at apat na blocks kalakip ang 11 digs habang nag-ambag si Carla Donato ng walong puntos para sa Arellano.

Nagtulong sina veteran spikers Cesca Racraquin at Nieza Viray sa pagko-lekta ng pinagsamang 30 puntos ngunit kapos pa rin ito para tuluyang mahulog ang Lady Red Spikers sa 3-1 baraha.

Sa ikalawang laro, namayani ang University of Perpetual Help System Dalta sa Jose Rizal University, 25-19, 25-20, 25-20, upang makuha ang No. 3 spot tangan ang 4-1 marka.

Bumanat si Jhona Rosal ng 15 puntos habang naglista naman si Shyra Umandal ng 10 hits para pamunuan ang matikas na ratsada ng Lady Altas.

“Ito talaga yung nanalo kami na feeling ko nanalo talaga kami kumpara sa mga previous games namin na nanalo nga kami pero pangit ang performance ng team. Ngayon satisfied ako sa performance nila,” ani Perpetual Help mentor Macky Carino.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with