Solong liderato pakay ng Lady Chiefs
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pakay ng nagdedepensang Arellano University na masolo ang liderato sa pagsagupa nito sa mapanganib na San Beda University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 women’s volleyball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Lady Chiefs at Lady Red Spi­kers sa alas-12 ng tanghali na susundan ng duwelo ng University of Perpetual Help at Jose Rizal University sa alas-2 ng hapon.

Parehong wala pang talo ang Lady Chiefs at Lady Red Spikers.

Kasosyo ng Arellano ang College of Saint Benilde sa unahan ng standings hawak ang matikas na 4-0 marka habang nakabuntot sa No. 3 ang San Beda na mayroon ding imakuladang 3-0 baraha. Ikaapat naman ang Per­petual Help taglay ang 3-1 marka.

Galing ang Arellano sa 25-17, 25-18, 25-27, 25-13 desisyon kontra sa San Sebastian College-Recoletos kung saan bumanat ng husto si two-time Finals MVP Regine Anne Arocha na umiskor ng career-high 24 points mula sa 19 attacks at apat na aces.

Sa kabila ng panalo, ayaw na ni Arellano mentor Obet Javier na maulit ang nangyari sa kanilang huling laro.

“Hindi pwede na mag-relax kami kahit sino ang kalaban. Kailangan maging consistent kami at all times dahil very crucial ang bawat laro,” ani Javier.

Maliban kay Arocha, aasahan ng Lady Chiefs si reigning Season MVP Necole Ebuen na sa kabila ng recovery period, na­kagawa pa rin ng 10 hits at 11 digs laban sa Lady Stags.

 

ARELLANO UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with