^

PSN Palaro

Mighty Sports namamayagpag sa Dubai

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na namama­yagpag ang Mighty Sports Philippine basketball team sa 2020 Dubai International Basketball Tournament matapos talunin ang koponan ng Syria na Al Itthihad of Allepo sa iskor na 77-72 nitong Sabado.

Dahil sa panalo, nagtala ang Mighty Sports ng malinis na 2-0 card  at nananatiling nangunguna sa team standing ng competition.

Nitong Biyernes nauna ng pinataob ng Mighty Sports ang United Arab Emirates national team sa iskor na 88-82.

Ayon kay Bong Cuevas ng Creative Pacific Group na siyang major sponsor ng Mighty Sports, nakapagtala ng dalawang sunod na panalo ang team Philippines dahil sa mainit na pagtanggap at pagsuporta ng mga Pinoy sa Dubai.

“Nakakagulat ang sobrang init na pagtanggap ng mga Pinoy fans sa Dubai, bukod sa likas na galing ng ating mga manlalaro, ang kanilang mga sigaw at palakpakan talaga ang isang dahilan ng ating dalawang sunod na panalo,” ani Cuevas.

Pahayag pa ni Cuevas, kung magpapatuloy ang suporta ng Pinoy hindi malayong makuha ng Pilipinas ang kampeonato sa torneo.

Dalawang araw na pahinga ang Mighty Sports bago nila harapin ang ES Rades ng Tunisia bukas, araw ng Martes dakong ala-una ng madaling araw (Manila time).

Pinangungunahan ang Mighty Sports ni Filipino naturalized player Andrei Blatche at mga import na sina Ronaldo Balkman, Mckenzie Moore at Jalen Kendricks.

vuukle comment

MIGHTY SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with