Lumipad si Bucks superstar Giannis Antetokounmpo para sa kanyang dunk laban sa Hornets
Bucks dinispatsa ang Hornets
(Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

PARIS -- Bagama’t na­nalo ay hindi pa rin kuntento si Giannis Antetokounmpo sa inilaro ng nangungunang Milwaukee Bucks.

Malamya ang naging simula ng Bucks bago rumatsada sa second half at pa­gulungin ang Charlotte Hornets, 116-103, para sa unang NBA regular-season game sa France.

“It’s kind of hard to get in­to a rhythm. We weren’t mo­ving the ball as much,” sabi ni Antetokounmpo, hu­makot ng 30 points at 12 re­bounds para pamunuan ang Milwaukee sa pagta­tala ng NBA best record na 40-6 kasama ang pang-wa­long sunod na panalo.

May best 46-game start ang Bucks sa kanilang franchise history kung saan nagtala sila ng 39-7 marka noong 1970-71 para makopo ang NBA championship.

Nag-ambag si guard Eric Bledsoe ng 20 points at 5 assists para sa Milwaukee.

Pinangunahan naman ni Malik Monk ang Charlotte mula sa kanyang 31 points.

Sa Miami, nakuha ni Ka­whi Leonard ang una ni­yang career triple-double, habang humataw si Landry Shamet ng 22 points para sa 122-117 paggupo ng Los Angeles Clippers laban sa Heat.

Tumapos si Leonard na may 33 points, 10 rebounds at 10 assists para sa Clippers, habang may 16, 15 at 14 markers sina Lou Wil­liams, Montrezl Harrell at JaMychal Green, ayon sa pagkakasunod.

Sa New Orleans, kumo­lekta si Nikola Jokic ng 27 points at 12 rebounds para ihatid ang Denver Nuggets sa 113-106 pagdaig sa Pe­licans.

Kumamada naman si No. 1 overall pick Zion Williamson ng 15 points para sa New Orleans.

Sa Minneapolis, humataw si Russell Westbrook ng season-high 45 points para pangunahan ang Houston Rockets sa 131-124 paggupo sa Minnesota Timberwolves.

Kumabig si star center Karl-Anthony Towns ng 30 points at 12 rebounds para sa Timberwolves.

GIANNIS ANTETOKOUNMPO MILWAUKEE BUCKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with