Inilabas ni two-time Finals MVP Regine Anne Aro­cha ang kanyang bagsik matapos humataw ng career-high 24 points mula sa 19 attacks, 4 aces at 1 block pa­ra manduhan ang Lady Chiefs sa panalo.
Jun Mendoza/ File
Lady Chiefs sumosyo sa liderato ng NCAA
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawata ng nagde­de­pensang Arellano University ang pagtatangka ng San Sebastian College-Recoletos sa bisa ng 25-17, 25-18, 25-27, 25-13 desis­yon upang sumosyo sa li­derato sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Mabilis na nakabangon ang Lady Chiefs sa malam­yang inilaro sa third set para pulbusin ang Lady Stags sa fourth frame.

Inilabas ni two-time Finals MVP Regine Anne Aro­cha ang kanyang bagsik matapos humataw ng career-high 24 points mula sa 19 attacks, 4 aces at 1 block pa­ra manduhan ang Lady Chiefs sa panalo.

Ang panalo ang nagdala sa Arellano sa sosyong pamumuno kasama ang Saint Benilde tangan ang magkatulad na 4-0 marka.

“Hindi talaga maganda ang laro ng mga players. Ma­raming off ngayon. setter ko wala, middle ko hindi effective ngayon,” ani coach Obet Javier.

Wala pa ring panalo ang Lady Stags sa apat na laro.

Sa men’s division, nagpasabog si Christian De­la Paz ng 29 points para bu­ha­tin ang Chiefs sa 25-23, 16-25, 25-27, 25-19, 16-14 panalo sa Stags at ilista ang 4-0 record kagaya ng nagdedepensang Perpetual Help Dalta.

LADY CHIEFS REGINE ANNE ARO­CHA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with