Nagtala si James ng 27 points, 12 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-10 triple-double ngayong season at akayin ang Los Angeles sa 128-113 paggupo sa Brooklyn Nets.
Sean M. Haffey/Getty Images/AFP
James hataw uli sa Lakers
(Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

NEW YORK - Nakatakdang magtungo si LeBron James sa Philadelphia para labanan ang 76ers at ungusan si NBA great Kobe Bryant sa NBA career scoring list.

Nagtala si James ng 27 points, 12 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-10 triple-double ngayong season at akayin ang Los Angeles sa 128-113 paggupo sa Brooklyn Nets.

Nagsalpak ang Lakers ng season-high na 19 three-pointers para bombahin ang Nets.

Maaari nang lampasan ni James si Bryant para sa No. 3 sa NBA scoring list sa pagharap ng Lakers sa 76ers sa Linggo sa Philadelphia kung saan isinilang ang five-time NBA champion.

Si James ay mayroon nang 33,626 points sa ilalim ng 33,643 ni Bryant.

Nagtala naman si Anthony Davis ng 16 points at 11 rebounds habang humakot si Dwight Howard ng 14 points at 12 boards para sa Los Angeles.

Sa Portland, nagposte si Luka Doncic ng 27 points, 9 assists at 6 rebounds at nagsalpak ang Dallas Mavericks ng 22 triples para talunin ang Trail Blazers, 133-125.

 Nakahugot ang Mavericks ng tig-apat na tres kina Seth Curry at Jalen Brunson.

Sa Cleveland, humataw si Bradley Beal ng 36 points para pamunuan ang 124-112 pagdaig ng Washington Wizards kontra sa Cavaliers.

KOBE BRYANT LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with