Ginawa ito ni Ramirez sa pagdiriwang ng PSC sa kanilang ika-30 anibersaryo kahapon sa bagong bihis na Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.
STAR/File
Ramirez pinasalamatan ang mga empleyado at ex-chairmen
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinuring ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez na ‘heart and soul’ ng Philippine Sports Commission ang kanilang mga empleyado.

Ginawa ito ni Ramirez sa pagdiriwang ng PSC sa kanilang ika-30 anibersaryo kahapon sa bagong bihis na Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.

Bukod sa mga empleyado ay pinasalamatan din ni Ramirez ang mga nakaraang chairmen na namuno sa sports agency sapul nang ito ay itinatag noong 1990.

“I humbly acknowledge those who have stood as chairman before me, all who steered the PSC ship in the direction that they know and believed in the hearts to be the best of the Philippine Sports. I am privileged to be in their ranks. Marami pong salamat sa inyong lahat,” ani Ramirez.

Nakasama ni Ramirez sa okasyon sina PSC Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin, Ramon Fernandez at Charles Raymond Maxey.

Ang tubong Davao City ang tumayo ring Chef De Mission ng Team Philippines na umangkin sa overall championships ng Southeast Asian Games noong 2005 at 2019.

Ito ay kapwa pinama­halaan ng bansa. Ido-donate naman ng PSC ang kanilang anniversary budget sa mga evacuees ng Mt. Taal eruption sa Batangas.

BUTCH RAMIREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with