^

PSN Palaro

King, Deguara itinakas ang SMB-Alab vs Hong Kong

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muntik ng masayang ang 19 puntos na bentahe ng San Miguel-Alab Pilipinas mabuti na lang naagapan nina Sam Deguara at Nick King ang laro para itakas ang 77-76 panalo kontra sa Hong Kong E­astern sa pagpapatuloy ng Season 10 Asean Basketball League (ABL) sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.

Umabot sa 55-36 ang kalamangan ng tropa ni coach Jimmy Alapag sa unang tatlong minuto ng ikatlong yugto ngunit naibaba ng Hong Kong ang agwat sa 71-74 bago umiskor si Deguara at King ng back-to-back baskets sa krusyal stretch para isalba ang Pinoy team.

Tumabo si King ng 24 puntos, pitong rebounds, isang assist at isang block habang ang 7’5 Maltese import na si Deguara ay umani ng 12 puntos, pitong rebounds at isang block para muling iangat ang Alab Pilipinas sa ikalawang puwesto sa kanilang 6-3 win-loss kartada sa likuran ng solo leader Mono Vampire na may 8-3 slate.

vuukle comment

NICK KING

SAM DEGUARA

SAN MIGUEL-ALAB PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with