Enero 22, 1995 nang magsimula ang karera ni Pacquiao. Maraming be­ses na itong nagbigay ng karangalan sa bansa para lalong makilala ang Pilipinas sa buong mundo.
STAR/File
Sa mundo ng boksing Pilipinas angat na angat dahil kay Pacquiao
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbalik-tanaw si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mahigit dalawang dekada ng kanyang boxing career.

Enero 22, 1995 nang magsimula ang karera ni Pacquiao. Maraming be­ses na itong nagbigay ng karangalan sa bansa para lalong makilala ang Pilipinas sa buong mundo.

Legendary, world-class boxer – mga nababagay na tawag sa isang boksi­ngerong tulad ni Pacquiao.

Kaya naman naging emosyonal ang tubong General Santos City nang balikan nito ang kanyang pakikipagsapalaran sa boksing.

“January 22, 1995. 25 years ago today, I started my professional boxing career. I never imagined life would bring me to where I am now. I never dreamed of all the accomplishments my future would hold,” ani Pacquiao sa kanyang social media accounts.

Malaki ang naging papel ng boksing para kay Pacquiao.

Binago nito ang kanyang buhay – mula sa dating isang kahig, isang tuka, itinuturing nang isa sa pinakamayaman sa Pilipinas si Pacquiao.

At lubos ang kanyang pasasalamat sa biyayang ibinigay sa kanya.

“Boxing changed my life forever. It lifted my family and I out of poverty, brought me places I never dreamed I would be, and provided me the opportunities to help others along the way,” ani Pacquiao.

Nagpasalamat ito sa lahat ng naniwala sa kanyang kakayahan. Una na ang kanyang pamilya na saksi sa mga paghihirap na dinaanan nito.

Dugo’t pawis ang puhunan ngunit nanatili sa kanyang tabi ang bawat miyembro ng kanyang pamilya.

Lubos din ang pasasalamat ni Pacquiao sa mga kababayan nito na walang sawang sumusuporta sa bawat labang haharapin nito.

May 25 taon na ang nakalipas ngunit nanatiling nakatayo si Pacquiao bitbit ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt – koronang nakahanda nitong depensahan sinuman ang iharap sa kanya.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with