Nailusot ni Lakers forward LeBron James ang kanyang tira laban sa Knicks sa aksyong ito.
Lakers itinumba ang Knicks
(Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

NEW YORK -- Humugot si LeBron James ng 19 sa kanyang 21 points sa first half para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 100-92 paggupo sa Knicks.

Lumapit si James kay Lakers legend Kobe B­ryant para sa No. 3 scoring spot sa NBA history sa kanyang 33,599 points, 44 ang agwat sa retiradong superstar guard.

Inaasahang malalampasan ni James si Bryant sa scoring list sa pagsagupa ng Lakers laban sa 76ers sa Philadelphia kung saan isinilang ang five-time NBA champion.

Pinamunuan naman ni Anthony Davis ang Los Angeles mula sa kanyang 28 points habang may 10 markers si Kyle Kuzma at 12 rebounds si Dwight Howard.

Binanderahan naman ni Marcus Morris ang Knicks mula sa kanyang 20 points kasunod ang 17 markers ni Damyean Dotson.

Sa Houston, kumolekta si Russell Westbrook ng 28 points, 16 rebounds at 8 assists at tumapos si James Harden na may 27 points para igiya ang Rockets sa 121-105 paggupo sa Denver Nuggets.

Tinapos ng Houston ang kanilang four-game losing slump.

 Sa New Orleans, tinalo ng San Antonio Spurs ang Pelicans, 121-117, na dumiskaril sa NBA debut ni No. 1 overall pick Zion Williamson.

Sa Atlanta, kumamada si Brandon Goodwin ng 19 points sa fourth quarter at bumangon ang Hawks mula sa 21-point deficit para balikan ang Los Angeles Clippers, 102-95.

LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with