Marinerong Pilipino pokus sa korona
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang iba kundi kampeonato ang pakay ng Marinerong Pilipino sa PBA D-League Aspirant’s Cup na pormal nang magbubukas sa Pebrero 13.

Matapos mabigong makuha ang korona sa Foundation Cup noong Oktubre, desidido ang Skippers na tuldukan ang pagkauhaw sa titulo dahil mas solido ang kanilang lineup sa edisyong ito.

 “We’re a better team now (compared to the Foundation Cup last year). The players and the coaches have learned our lessons and know what to do now to finally win the title,” ani Marinerong Pilipino assistant coach Jonathan Banal sa pagbisita nito sa Usapang Sports ng TOPS sa National Press Club sa Intramuros, Manila. 

Puspusan na ang paghahanda ng Marinerong Pilipino para lampasan ang kanilang runner-up finish sa Foundation Cup.

Ipaparada ng Skippers si Jamie Malonzo na sorpresang naging No. 2 pick sa PBA D-League draft noong Lunes.

Naglaro si Malonzo sa Portland State sa Amerika habang nasilayan din ito sa UAAP suot ang De La Salle University jersey noong Season 82 kung saan napasama pa ito sa Mythical Team ng liga.

Makakatuwang ni Malonzo sina 6-foot-10 Filipino-Australian James Laput at dating UCBL MVP Jayboy Solis ng Olivarez College.

PBA D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with