Tumapos si Anteto­kounmpo na may 28 points, 14 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikaapat na triple-double ngayong season.
Gary Dineen/NBAE via Getty Images/AFP
Giannis umukit ng career points vs Bulls
(Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MILWAUKEE -- Nag­lista si Giannis Anteto­kounmpo ng triple-double at iniskor ang kanyang 10,000th career point sa 111-98 pagpapabagsak sa Chicago Bulls.

Winalis din ng Milwaukee ang kanilang four-game season series ng Chicago.

Tumapos si Anteto­kounmpo na may 28 points, 14 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikaapat na triple-double ngayong season.

Naitala niya ang kanyang ika-10,000 puntos matapos isalpak ang kanyang jump hook sa huling 4:30 minuto sa fourth period.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 24 points para sa ika-10 sunod na panalo ng Bucks laban sa Bulls simula noong 2017-18 season.

Sa Boston, umiskor si Jayson Tatum ng 27 points para pamunuan ang Celtics sa 139-107 paglampaso sa Los Angeles Lakers.

Ito ang pinakamalaking kabiguan ng Lakers, ang top team sa Western Conference, ngayong season.

Nag-ambag sina Kemba Walker at Jaylen Brown ng tig-20 points at kumolekta si Enes Kanter ng 18 points at 11 rebounds para tapusin ng Boston ang kanilang three-game losing skid.

Tumapos naman si LeBron James na may 15 points at 13 assists sa panig ng Los Angeles.

Sa Minneapolis, ipinoste ni Michael Porter Jr. ang kanyang ikalawang double-double sa huling tatlong laro para igiya ang Denver Nuggets sa 107-100 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Humataw si Porter ng 20 points at 14 rebounds, habang may 19 at 17 markers sina Jerami Grant at Nikola Jokic, ayon sa pagkakasunod.

GIANNIS ANTETO­KOUNMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with