3x3: Philippines host ng World Tour leg sa Mayo
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling masisilayan ng Pinoy fans ang mga world-class 3x3 players dahil mu­ling itataguyod ng bansa ang second Masters tournament ng prestihiyosong 2020 FIBA 3x3 World Tour season sa Mayo 2 hanggang 3.

Ang naturang yugto ng World Tour ay tatawa­ging Chooks-to-Go Manila Masters na idaraos sa SM Megamall Fashion Hall.

Ito ang ikatlong pagkakataon na tatayong host ng World Tour ang bansa.

Una nang ginanap ang level 10-event sa Manila noong 2014 at 2015.

Kaya naman masaya si Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 league owner Ronald Mascariñas sa pagbabalik ng World Tour matapos ang limang taon.

“Last year, 3x3 basketball once again entered the collective consciousness of the Filipino people. We had three conferences in our local league while also having two international tournaments here, namely the world’s first-ever Super Quest and the Manila Challenger,” ani Mascariñas.

Nakatakdang lumahok sa Chooks-to-Go Manila Masters ang pinakamahuhusay na 3x3 clubs sa mundo kabilang na ang powerhouse Liman, Novi Sad, Riga Ghetto at NY Harlem.

Magsisilbing qualifying tournament para sa local teams ang 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup na nakatakdang magsimula sa Pebrero.

Sa taong ito, ang World Tour ay binubuo ng 13 Masters events kung saan ang World Tour Finals ay gaganapin sa Nobyembre sa Riyadh, Saudi Arabia.

Isiniwalat naman ng Chooks-to-Go Pilipinas na plano nitong mag-host ng isa pang Super Quest sa huling bahagi ng taon.

FIBA 3X3 WORLD TOUR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with