Antetokounmpo bumira uli vs Nets
(Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

NEW YORK - Hindi nagpapigil ang Milwaukee Bucks at si Giannis Antetokounmpo para sa kanilang ikaanim na sunod na arangkada.

Humataw si Antetokounmpo ng 29 points at 12 rebounds habang may 20 markers si Khris Middleton para pamunuan ang Bucks sa 117-97 paggupo sa Brooklyn Nets.

Lalo pang pinaganda ng Milwaukee ang kanilang NBA best record na 38-6.

Isang 7-0 atake ang ginawa ng Bucks para kunin ang 30-22 abante sa first period bago humataw ng tig-10 points sina Antetokounmpo at Middleton sa second quarter para iwanan ang Nets sa 57-42.

Ito ang ika-16 panalo ng Milwaukee sa kanilang 19 pagtatapat ng Brooklyn.

Sa Houston, nagposte si LeBron James ng 31 points at 12 assists para pamunuan ang Los Angeles Lakers sa 124-115 pagpapatumba sa Rockets.

Bumangon ang Los Angeles mula sa nauna nilang kabiguan sa Orlando Magic noong Miyerkules kung saan naputol ang nine-game winning streak nila.

Nalasap naman ng Houston ang kanilang ikatlong dikit na kamalasan.

Nagdagdag si Kyle Kuzma ng 23 points habang may tig-20 markers sina Danny Green at Kenta­vious Caldwell-Pope para sa Lakers.

Nagpasabog si Russell Westbrook ng 35 points at may 34 markers si James Harden sa panig ng R­ockets.

Sa San Francisco, nagsumite si guard D’Angelo Russell ng 26 points at season-high 12 assists para akayin ang Golden State Warriors sa 109-95 pana­naig sa Orlando Magic.

GIANNIS ANTETOKOUNMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with