Malonzo top pick ng AMA
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Papangalanan na ngayong araw ang top pick sa 2020 PBA D-League Draft na idaraos sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

Inaasahang makukuha ng AMA Online Education bilang No. 1 pick si Jamie Malonzo.

Naglaro ang 6-foot-6 Fil-Am cager sa Portland State at De La Salle University sa nakalipas na UAAP season.

Ito ang ikaapat na sunod na pagkakataon na ang Titans ang pipili ng top pick.

Una na nitong nakuha sina Jeron Teng (2017), Owen Graham (2018) at Joshua Munzon (2019) sa mga nakalipas na edisyon.

Inaasahang makukuha rin sina Gilas pool member Jaydee Tungcab at dating youth stars Jollo Go at Jerie Pingoy gayundin sina Cebuano standouts Darrell Menina at Jaybie Mantilla.

May kabuuang 137 aplikante ang rookie pool kabilang ang 17 Fil-foreigners.

Sunod na pipili ang Foundation Cup runner-up Marinerong Pilipino habang ikatlo naman ang Aspirants Cup runner-up Centro Escolar University.

May 12 koponan ang magtatagisan sa PBA D-League Aspirants’ Cup na nakatakdang magsimula sa Pebrero 13.

2020 PBA D-LEAGUE DRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with