Pinuwersa ni Giannis Anteto­kounmpo ng Bucks si Gordon Hayward ng Celtics.
Bucks sinuwag ang Celtics
(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

MILWAUKEE -- Itinala ng Bucks ang kanilang pang-limang sunod na pa­na­lo matapos itumba ang Boston Celtics, 128-123.

Kumolekta ng 32 points, 17 rebounds at 7 assists ni star forward Giannis Ante­to­kounmpo para sa NBA best record na 36-5 ng Mil­waukee.

Ito ang pang-35 double-double ni Antetokounmpo nga­yong season.

Tumipa naman si Khris Middleton ng 23 markers pa­ra sa Bucks, kinuha ang 76-58 abante sa halftime ba­go nakalapit ang Celtics sa 81-87 sa huling 5:16 mi­nuto ng third period.

Isang 19-6 atake ang ini­laglag ng Milwaukee pa­tungo sa pagtatayo ng 127-123 bentahe sa natitirang 38 segundo sa fourth quarter.

Kumamada si Kemba Walker ng game-high na 40 points para pamunuan ang Boston, naglaro nang wa­la si Jaylen Brown na nag­karoon ng sprained right thumb sa nauna nilang 13-point loss sa Detroit Pistons noong Miyerkules.

Sa Los Angeles, nag­lista si Kawhi Leonard ng 32 points, 5 rebounds at 5 assists at nag-ambag si Montrezl Harrell ng 21 mar­­kers para akayin ang Clippers sa 122-95 panalo sa Orlando Magic.

Pinamunuan ni Nikola Vucevic ang Magic mula sa kanyang 22 points kasunod ang 20 markers ni Aaron Gordon.

Nabigo ang Orlando na maduplika ang pagpigil sa nine-game winning streak ng Los Angeles Lakers no­ong Miyerkules.

Sa San Francisco, nagsalpak si Malik Beasley ng dalawang free throws sa huling 8.9 segundo sa overtime para ihatid ang Denver Nuggets sa 134-131 paglusot sa Golden State Warriors.

Ipinalasap ng Nuggets, nakahugot kay Beasley ng 27 points, ang ika-10 sunod na kamalasan ng Warriors.

Humataw si Will Barton ng season-high na 31 points para sa pang-limang panalo ng Denver sa huling anim na laro.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with