Manny Pacquiao
AFP
Deserving si Pacquiao sa Fighter of the Decade
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para kay world class trai­ner Robert Garcia, mas ka­rapat-dapat maging Figh­ter of the Decade si Fi­lipino world eight-division champion Manny Pacquiao kumpara kay undefea­ted Ame­rican fighter Floyd May­weather, Jr.

Buhay na buhay ang ka­rera ni Pacquiao sa na­ka­lipas na dekada hindi ka­gaya ni Mayweather na nasilayan lamang sa ak­syon sa loob ng anim na taon.

Magarbong tinapos ni Pac­quiao ang huling taon ng nakalipas na dekada kung saan inilampaso niya si­na Adrien Broner noong Ene­ro at Keith Thurman no­ong Hulyo.

Kasalukuyang hawak ni Pacquiao ang World Bo­xing Association (WBA) welterweight belt, habang matagal-tagal na ring re­tirado si Mayweather na ku­makasa lamang sa ilang non-title exhibition mat­ches.

“I think it’s Pacquiao, but it depends on who you ask. Pacquiao has been ac­tive, he is still fighting, and still a world champion. May­weather only fought like six years in the decade,” ani Garcia sa panayam ng ESnews.

Alam ni Garcia ang ka­lidad ni Pacquiao dahil da­la­wang beses na nitong na­kaduwelo ang Pinoy icon.

Si Garcia ang humawak sa training nina Antonio Mar­garito at Brandon Rios

Pinataob ni Pacquiao si Margarito noong Nobyembre 13, 2010 via unanimous decision at tinalo rin nito si Rios noong Nobyembre 14, 2013 via unanimous decision.

Dati nang nahawakan ni Pacquiao ang Boxing Wri­ters Association of Ame­rica (BWAA) Fighter of the Decade noong 2000-2009.

At kandidato na naman si Pacquiao kasama sina May­weather, Canelo Alvarez, Wladimir Klitschko at Andre Ward para sa taong 2010-2019.

Si Pacquiao din ang nag-iisang boksingero sa mundo na naging world champion sa apat na mag­ka­kaibang dekada.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with