Humataw sina Levi Hernandez at Larry Muyang ng 22-7 atake para itakas ang panalo ng Giant Lanterns at makisosyo sa Bataan Risers sa No. 5 spot sa pareho nilang 17-9 kartada sa Northern Division.
MPBL
Giant Lanterns wagi sa Athletics
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binura ng Pampanga Giant Lanterns ang 15-point deficit patungo sa 82-79 overtime win kontra sa Batangas City Athletics sa Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City.

Humataw sina Levi Hernandez at Larry Muyang ng 22-7 atake para itakas ang panalo ng Giant Lanterns at makisosyo sa Bataan Risers sa No. 5 spot sa pareho nilang 17-9 kartada sa Northern Division.

Umiskor ang dating Letran Knights center na si Mu­yang ng marginal basket sa huling segundo para burahin ang huling 79-79 pagkakatabla at panatilihing buhay ang pagpasok sa top four.

Sa panalo ng Giant Lanterns ay lumapit sila sa No. 4 team na Bulacan Kuyas na hawak ang 18-8 marka.

Tumapos si Hernandez na may 32 puntos, 4 rebounds at 2 steals, habang si Michael Juico ay nagtala ng 13 markers at 12 boards para sa Pampanga na nakamit ang ikaapat na sunod na panalo.

Nagtala naman si Muyang ng 9 points at 7 rebounds at may 7 markers at 20 boards si John Dexter Maiquez.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Bulacan Kuyas laban sa Caloocan Supremos, 81-79, habang pinatumba naman ng Pasig-Sta. Lucia Realtors ang Imus Bandera, 93-88.

CHOOKS-TO-GO-MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with