Lady Blazers itinumba ang Lady Pirates
Lady Blazers itinumba ang Lady Pirates
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malakas na puwersa ang inilatag ng College of Saint Benilde sa huling sandali ng laro para itakas ang 23-25, 25-23, 23-25, 25-18, 15-7 panalo laban sa Ly­ceum of the Philippines Uni­versity at sumalo sa li­derato sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Lady Bla­­zers para saluhan ang nagdedepensang Arella­no Lady Chiefs sa tuktok ng standings hawak ang magkatulad na 2-0 baraha.

Sa unang laro, nakaba­ngon ang Colegio de San Juan de Letran sa masamang panimula para pigilan ang Emilio Aguinaldo College, 22-25, 25-10, 25-18, 25-13, at makuha ang ka­nilang unang panalo.

Nagpasabog si Chamberlaine Cunada ng 24 points mula sa 19 attacks, 3 aces at 2 blocks, habang nagsumite siya ng 17 excellent digs at 3 receptions.

“Medyo tensed sila sa umpisa ng laro. Pero bu­ma­lik naman ‘yung kum­piyansa ng mga bata sa se­cond set,” ani Lady Knights coach Michael Inoferio.

Nakatuwang ni Cunada si Dane Ohya na nagtala ng 12 hits, 2 blocks at 1 ace at nagdagdag si Julienne Castro ng 11 markers.

Naramdaman din sina Khryss Anne Monteagudo at Daisy Melendres na may tig-walong puntos at team captain Charlemagne Simborio na nagdagdag ng anim na hits para sa ba­lanseng atake ng Letran.

Tanging si Catherine Al­­mazan lamang ang nag­ta­­­la ng double digits para sa La­dy Generals (0-1) mula sa kanyang 13 points.

Sa men’s division, na­kabawi ang EAC nang ilam­paso ang Letran, 25-19, 25-18, 25-17, para hab­lutin ang unang panalo.

Nakalikom sina Danrich Melad at Joshua Mina ng pinagsamang 31 points para sa Generals.

NCAA SEASON 95
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with