Stalzer babalik para sa F2
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Desidido si American outside hitter Lindsay Stalzer na rumesbak dahil muli niyang tinanggap ang alok ng F2 Logistics na maging import para sa 2020 Philippine Superliga Grand Prix na magsisimula sa susunod na buwan.

Sa katunayan ay duma­ting na sa bansa si Stalzer para samahan ang mga Car­go Movers sa pagha­handa sa torneo.

Kaya naman nakasentro ang atensyon ng lahat ng koponan sa F2 Logistics na sinasabing may pi­­­nakamalakas na line-up sa kumperensya.

Makakasama ni Stalzer sa kampanya ng Cargo Mo­vers si Fil-Ame­rican wing spiker Kalei Mau na ma­la-import din ang laro.

Katuwang nina Stalzer at Mau sina dating MVP Ara Galang, Asean Best Blocker Majoy Baron, Aby Maraño, Kim Kianna Dy at playmaker Kim Fajardo.

Puntirya ng F2 Logistics na mabawi ang korona ng Grand Prix na huli nitong na­hawakan noong 2017.

Bigo ang Cargo Mo­vers na masikwat ang titulo noong 2019 edisyon kung saan tumayo ring import si Stalzer kasama si MJ Perez.

Wala si Fajardo sa na­tu­rang kumperensiya dahil nagpapagaling pa siya sa injury.

Kaya’t bigo ang Cargo Movers na mabawi ang ko­rona nang yumuko ito sa finals laban sa Petron na binanderahan nina Katherine Bell at Stephanie Niemer.

Sa pagbabalik ni Fajar­do ay umaasa si Stalzer na makakaresbak siya sa Petron, ang koponang kanyang tinulungan na ma­kuha ang korona noong 2018 edisyon ng Grand Prix.

F2 LOGISTICS PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with