Ngunit mas madali itong sabihin kesa gawin, ayon kay two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ng Barangay Ginebra.
PBA MEDIA GROUP
Tatapusin na! Ginebra ‘di na pagbibigyan ang Meralco
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang gagawin na lamang ng mga Gin Kings ay manalo para kumpletuhin ang three-game cham-pionship series sweep sa mga Bolts sa kanilang ‘tri­logy’.

Ngunit mas madali itong sabihin kesa gawin, ayon kay two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ng Barangay Ginebra.

“We will try our best obviously. But this team has shown a lot of character in the past when we played them,” wika ng 62-anyos na si Cone sa Meralco.

“We got 2-0 on them and they came back and beat us two straight in one series. So we know they’re capable of coming back,” dagdag pa nito.

Tangan ang malaking 3-1 bentahe, pipilitin ng Gin Kings na isara ang kanilang titular showdown ng Bolts ngayong alas-7 ng gabi sa Game Five ng 2019 PBA Governor’s Cup Finals sa MOA Arena sa Pasay City.

Matapos kunin ng Ginebra ang Game One, 91-87, ay binalikan naman sila ng Meralco sa Game Two, 104-102.

Hinablot ng Gin Kings ang Game Three, 92-84, at ang Game Four, 94-72, para iposte ang matayog na 3-1 lead sa kanilang best-of-seven title series ng Bolts at sa tsansang makamit ang ika-12 korona.

Samantala, wala namang ibang nasa isip ang Meralco kundi ang itabla ang serye sa Ginebra.

“As I told the players, we only have two choices at this point - either pull together and come back and fight on Friday or we may be in for the same,” sabi ni mentor Norman Black.

“So we just have to figure out a way to bounce back from this and play better basketball coz for me, this was an embarrassment,” dagdag pa ng one-time PBA Grand Slam titlist.

Sakaling manaig ang Bolts ay gagawin ang Game Six sa Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Noong 2016 ay tinapos ng Gin Kings ang kanilang title wars sa Game Six mula sa dramatikong three-point shot ni import Justin Brownlee laban kay three-time PBA Best Import Allen Durham bago nakalusot sa Game Seven noong 2017.

Samantala, dinala ng  Phoenix si Ron Dennison sa Blackwater kapalit ni Brian Heruela kahapon.

Tiyak na aapruba­han ng PBA Commissioner’s Office ang nasabing swap.

Inaasahang mabibigyan si Heruela ng pla­ying time ni coach Louie Alas para sa kampanya ng Phoenix sa darating na 45th season ng PBA na magsisimula sa Marso 1.

BARANGAY GINEBRA PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with