^

PSN Palaro

Lady Chiefs lider na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Chiefs lider na

MANILA, Philippines — Matikas na pinataob ng nagdedepensang Arellano Unversity ang Mapua University, 25-13, 25-20, 25-12, upang masolo ang liderato sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naging matibay na armas ng Lady Chiefs ang malalim nitong karanasan para makabuo ng solidong atake na hindi nasabayan ng Lady Cardinal upang masungkit ang ikalawang sunod na panalo.

Nanguna sa opensa ng Arellano si two-time Finals MVP Regine Arocha na nagpakawala ng matatalim na attacks at aces habang nagdagdag ng solidong puntos sina Carla Donato at Mikaela Juanich.

Magagandang set plays din ang inilatag ni Sarah Verutiao para makalikom ng matatalim na atake ang kanilang tropa partikular na ang mga middle blockers.

Bagsak ang Lady Cardinals sa 0-1.

Sa unang laro, naitakas ng Jose Rizal University ang pukpukang 22-25, 25-19, 21-25, 25-21, 15-8 desisyon laban sa San Sebastian College-Recoletos para masikwat ang pambuenamanong panalo.

Nasandalan ng Lady Bombers si Dolly Verzosa na nagpasabog ng 21 puntos mula sa 16 attacks, tat­long aces at dalawang blocks kalakip pa ang 20 digs.

Sa men’s division, ma­garbong sinimulan ng Jose Rizal ang kampanya nito matapos patumbahin ang San Sebastian sa pamamagitan ng 25-14, 27-25, 25-14 demolisyon.

Nagsanib-puwersa sina June Laxina, Lester Villa­ceran Jr. at Arjay Ausina na nakalikom ng pinagsama-samang 33 puntos para dalhin ang Heavy Bombers sa 1-0 rekord.

Napigilan naman ng San Sebastian ang tangkang sweep ng Jose Rizal matapos manaig ang Baby Stags sa Light Bombers, 25-15, 25-15, 25-22, sa juniors division.

vuukle comment

NCAA SEASON 95

WOMEN’S VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with