^

PSN Palaro

McGregor

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Posibleng si Conor McGregor, ang bibong UFC superstar, ang sunod na makakalaban ni Sen. Manny Pacquiao.

May negotiations daw na nagaganap. Pero no reply pa si Pacman sa text natin kahapon. Kaya sa ngayon, ituring muna natin na ugong-ugong ang balita.

Si McGregor mismo ang nagsabi na gusto niyang makalaban ang WBA welterweight champion natin.

Inamin niya na may usapan na although wala pang final. 

Ang tanong eh kung matuloy nga ito, bilhin kaya ng tao ang laban? Kumita kaya ito sa takilya?

Successful ang last two fights ni Pacquiao laban kay Adrien Broner at Keith Thurman kaya maingat nilang pinipili ang sunod niyang kalaban.

Rematch kay Floyd Mayweather ang hangad ni Pacquiao. Pero kung hindi rin lang si Floyd eh kailangan piliin nila ang kalaban na kaya magdala ng pinakamalaking kita.

May mga una nang sumulpot na pangalan gaya ni Errol Spence, Danny Garcia, Shawn Porter at Terence Crawford.

Lahat sila, isang kalabit lang, sasampa sa ring laban kay Pacquiao dahil sureball na takits.

Nakalaban na ni McGregor si Mayweather. Tumabo siya kaya gusto niya ng rematch.

Kaya lang, wala pa sa mood lumaban ang retiradong superstar.

Kay Pacquiao, tiyak na kikita rin si McGregor.

Alam niya yan.

vuukle comment

CONOR MCGREGOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with