Manny Pacquiao
I am a legend killer! banta ni Garcia kay Pacquiao
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa man naikakasa ang laban, nag-angas na si World Boxing Council (WBC) silver welterweight title Danny Garcia na patataubin nito si eight-division world champion Manny Pacquiao sa oras na magkrus ang kanilang landas.

Ipinagmalaki ni Garcia na iba siya sa lahat ng mga napabagsak ni Pacquiao.

Mas malalim aniya ang kanyang karanasan hindi gaya ng mga nakalaban ng Pinoy champion.

Ipinagmalaki nito ang kanyang pamatay na suntok na magiging armas nito para mapatumba si Pacquiao.

Isa pang sandata ang kanya umanong counter-punching skill na tunay na magpapahirap sa reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion na si Pacquiao.

Malaki ang respeto ni Garcia kay Pacquiao na itinuturing nang legend sa mundo ng boksing.

Humanga ang buong mundo nang talunin ni Pacquiao sina Adrien Broner noong Enero at Keith Thurman noong Hulyo dahil nagbalik na ang bagsik ng kamao nito. Ngunit hindi nasisindak si Garcia.

Handa ito na ibuhos ang lahat para dungisan ang pangalan ng Pinoy hero.

“Manny Pacquiao is a legend I respect him but Danny Garcia is a legend killer! I have better timing than Keith Thurman and I have better one-punch knockout power than Keith. And I’m a better counter-puncher than Keith,” ani Garcia sa panayam ng Fight Hype.

Maganda ang panalo ni Garcia sa kanyang hu­ling laban.

Naitala nito ang seventh-round technical knockout win laban kay Adrian Granados noong Abril 20, 2019 sa Carson, California.

At bago harapin si Pacquiao, daraan muna sa pagsubok si Garcia dahil makakasagupa nito si Ivan Redkach ng Ukraine sa E­nero 25 sa Barclays Center sa New York City.

Kailangan nitong magtala ng impresibong panalo kontra kay Redkach upang lumakas ang kanyang tsansang makalaban si Pacquiao.

DANNY GARCIA MANNY PACQUIAO WORLD BOXING COUNCIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with