SEA Games medalists pararangalan ng PSA
(Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa pagbibigay ng karangalan sa bansa sa nakaraang taon ay pararangalan ang mga top sports achievers sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night na nakatakda sa unang linggo ng Marso sa Manila Hotel.

Itatampok sa annual affair na inihahandog ng Milo, Cignal TV at Philippine Sports Commission (PSC) ang paggawad sa Athlete of the Year honor na ibinibigay ng pinakamatandang media organization sa bansa sa pangunguna ni president Tito S. Talao, ang sports editor ng Manila Bulletin.

Sa taong 2019 ay ipinakita ng mga Filipino athletes ang kanilang husay mula sa Southeast Asia hanggang sa world stage.

Inangkin ng Team Philippines ang overall championship ng 30th Southeast Asian Games sa ikalawang pagkakataon sa 42 taon ng paglahok sa biennial meet.

Kinilala naman si Carlos Yulo bilang unang Filipino at gymnast mula sa Southeast Asia na nagwagi ng makasaysayang gold medal sa 49th Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany.

Sinuntok din ni lady boxer Nesthy Petecio ang unang gold medal sa AIBA Women’s World Boxing Championships matapos dominahin ang featherweight division sa Ulan-Ude Russia.

Hinirang naman si Ernest John Obiena bilang unang Filipino na nag-qua­lify para sa 2020 Tokyo Olympics nang lampasan ang Olympic qualifying standard sa men’s pole vault sa paghahari sa isang torneo sa Chiara, Italy.

Ang nasabing mga sports heroes at heroines ang inaasahang mangu­nguna sa mga personalities at entities na pararangalan ng sportswriting fraternity.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with