Danny Garcia gigil nang makaharap si Pacquiao
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa si dating two-division world champion Danny Garcia na gawin ang lahat matuloy lamang ang posibleng pagharap nito kay eight-division word champion Manny Pacquiao.

Alam ni Garcia ang kalidad ng pangalan ni Pacquiao.

Mataas ang respeto nito sa Pinoy world champion na itinuturing na le­gendary at Hall of Famer sa mundo ng boksing.

Kailangan ng malakas na puwersa para talunin si Pacquiao na posibleng maging dahilan para mapuwersa itong magretiro.

“He’s definitely a Hall-of-Famer. I just don’t know what he has left to prove, if you really think about it. Probably the money – that’s about it. But he’s a legend. He’s done it all, and he’s still here. So, someone has to get him out of there to get him to retire,” ani Garcia sa Boxing Scene.

Kaya naman kung nais ni Garcia na mas pa­ningningin ang kanyang pangalan, kailangan niya umanong matalo si Pacquiao para mas lalong maging makislap ang kanyang boxing career.

“In order to become a legend, you’ve gotta beat the legend. You know, Manny Pacquiao’s had an incredible career. Being 40 years old and beating a prime Thurman, he’s had an incredible career,” ani Garcia.

Ayon pa kay Garcia, hindi birong makaharap si Pacquiao na sa kabila ng kanyang edad, nagtataglay pa rin ito ng makamandag na kamao.

Patunay aniya ang ma­­tikas na panalo nito kay Keith Thurman noong Hulyo para maagaw ang World Boxing Association super welterweight crown.

Nakatakda munang harapin ni Garcia si Ivan Redkach sa Enero 25.

At kung mananalo ito, mas lalong lalakas ang kanyang tsansang makuha ang pagkakataong makalaban si Pacquiao ngayong taon.

Target ni Manny na depensahan ang kanyang WBA welterweight belt sa Abril.

Maliban kay Garcia, kabilang din sa mainit na kandidato sina Shawn Porter at Mikey Garcia.

DANNY GARCIA IVAN REDKACH MANNY PACQUIAO MIKEY GARCIA SHAWN PORTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with