^

PSN Palaro

Last Chance

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Malapit na bumalik sa ensayo ang San Miguel Beer para sa PBA Philippine Cup na magsisimula sa March 1.

 At ang ugong eh babalik na rin daw si Arwind Santos mula sa halos dalawang buwan na suspension na pinataw ng management.

Sangkot kasi si Arwind sa away na nangyari sa team practice nung Nov. 17. Si Dez Wells ang nakagirian ni Arwind.

Pero lumala ang gulo nang suntukin ni Ronald Tubid si Wells at nang suntukin din ni Kelly Nabong si Tubid. Ganun katindi.

May kwento pa na hinabol ni Nabong at Wells si Tubid hanggang sa loob ng gym.

Kaya ura-uradang umuwi si Wells at sinuspindi ng management ang tatlong Pinoy. Dahil dito, sibak ang grand slam ng SMB.

Swerte kamo si Arwind dahil bago ang kaguluhan eh nakapirma siya ng two-year contract extension sa San Miguel. Kung hindi ay siguradong makakaapekto ang nangyari.

Malamang din ay huling kontrata na ito ni Arwind dahil 40 years old na siya pag nag-expire ito. Kundi siya ma-trade, huling team na niya ang SMB. Hindi gusto ng mga boss ng SMB ang nangyari.

Si Nabong, ewan ko kung ano ang kinabukasan dahil hindi ito first na na-suspindi siya ng sarili niyang team. Nangyari na ito sa Meralco.

Parang last chance na nga ang binigay ng SMB sa kanya.

Sayang ang baraha.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with