Pinoy athletes mapapalaban sa 2020
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas malaking laban ang haharapin ng Pinoy athletes dahil nakalinya ang malalaking torneong lalahukan nito sa taong 2020.

Nangunguna na sa listahan ang 2020 Olympic Games na lalarga sa Hulyo sa Tokyo, Japan.

Puntirya ng Pilipinas na tuldukan ang pitong dekadang pagkauhaw nito sa gintong medalya.

Unti-unti nang nagliliwanag ang pangarap na ito ng bansa dahil may ilang world-class athletes na ang nakahandang tuparin ito.

Nasa unahan na si world champion Carlos Edriel Yulo na nagkwalipika na sa Tokyo Olympics.

Nakahirit ng tiket sa Tokyo Games si Yulo matapos ang matagumpay na kampanya sa 49th FIG World Men’s Artistic Gymnastics sa Stuttgart, Germany.

Pinagharian ni Yulo ang men’s floor exercise na parehong event na pinaghahandaan nito sa Tokyo Olympics.

Nariyan pa si Ernest John Obiena na unang nakapasok sa Tokyo Games nang mamayagpag ito sa isang torneo sa Chiara, Italy.

Bago ang Olympic Games, sesentro ang atensiyon ng Pinoy athletes sa iba’t ibang Olympic qualifying tournaments.

Isa na rito si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na sasabak sa dalawang natitirang qualifying event sa weightlifting.

Sasabak si Diaz sa Enero 28 sa Italy habang ang huling qualifying event ay sa Abril sa Kazakhstan.

Maliban sa weightlifting, magtatangka ring humirit ng tiket sa Olympics ang boxing at taekwondo teams na pareho ring may malakas na tsansa sa medalya.

Mangunguna sa kampanya ng Pinoy boxers sina reigning world champion Nesthy Petecio at World Championship silver medalist Eumir Felix Marcial.

Aariba naman ang taekwondo squad sa pangunguna ni SEA Games champion Pauline Louise Lopez.

Tututukan din ang differently-abled athletes sa Asean Para Games sa Marso at sa Paralympic Games sa Agosto.

Umaasa ang buong sambayanan na masusundan ng Pilipinas ang matagumpay na kampanya nito sa 2019 SEA Games kung saan itinanghal na overall champion ang Team Philippines.

CARLOS EDRIEL YULO HIDILYN DIAZ SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with