Nagpipilit lumusot si Mavericks forward Luka Doncic sa depensa ni Spurs guard Bryn Forbes sa first half.
Nag-init si Doncic
(Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2019 - 12:00am

Mavs ipinagpag ang Spurs

DALLAS – Nagbalik si Luka Doncic sa lineup matapos maupo sa apat na laro bunga ng injury.

Kaagad humataw si Doncic ng 24 points, 10 rebounds at 8 assists para tulungan ang Mavericks na pataubin ang San Antonio Spurs, 102-98.

Huling naglaro si Doncic,may NBA-leading na walong triple doubles, noong Disyembre 14 laban sa Miami Heat kung saan siya nagkaroon ng sprained right ankle.

Nakabangon ang San Antonio mula sa 85-102 agwat nang umiskor ng 13 points, ngunit naimintis naman ni Derrick White ang kanyang three-point attempt sa huling anim na segundo.

Nasambot ni Doncic ang rebound para protektahan ang panalo ng Mavericks laban sa Spurs.

Sa Detroit, nagtala si Blake Griffin ng 14 points at season-high 11 rebounds para akayin ang Pistons sa 132-102 paglampaso sa Washington Wizards.

Tumapos si Christian Wood na may 22 points kasunod ang 18 markers ni Todd Frazier para sa Pistons, may walong pla-yers na naglista ng double figures.

Pinamunuan ni Anzejs Pasecniks ang Wizards mula sa kanyang career-high 17 points at may 15 markers naman si Bradley Beal.

Sa New York, humataw si Julius Randle ng 33 points para banderahan ang 94-82 paggupo ng Knicks sa Brooklyn Nets.

Nag-ambag si Marcus Morris ng 22 points at 8 rebounds para sa New York, tinapos ang three-game losing skid habang may 13 markers si Elfrid Payton.

LUKA DONCIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with