Hidilyn Diaz
Facebook/International Weightlifting Federation
Diaz matinik na landas ang tatahakin para makahirit ng tiket sa Tokyo Olympics
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang torneo pa ang lalahukan ng national weightlifting team para makalikom ng puntos para sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella, hindi biro ang pagdaraanan ng Pinoy lifters para makahirit ng tiket sa Olympics.

Kailangang lumahok ang mga atleta sa anim na qualifiying events.

May apat na events na ang natapos kung saan nasilayan sa aksiyon sina Rio Olympics silver medallist Hidilyn Diaz at 2019 Southeast Asian Games bronze medallist Nestor Colonia.

Matapos ang dalawang nalalabing events sa magkahiwalay na venues, idedetermina na ng International Weightlifting Federation ang mga atletang papasok sa Tokyo Olympics.

Tanging walong atleta lamang na may pinakamataas na puntos ang mabibigyan ng silya sa Olympics.

Kaya naman umaasa sina Diaz at Colonia na magiging maganda ang kanilang laban sa huling dalawang torneo para mapalakas ang kanilang tsansa sa Tokyo Games.

Sa katunayan, hindi nagpahinga si Diaz matapos magwagi ng gintong medalya sa 2019 SEA Games.

Tuloy ang ensayo nito para masiguro na nasa tamang kundisyon ang kanyang katawan bago sumalang sa dalawang huling legs ng qualifying.

Una sa Enero sa Italy at ang ikalawa sa Abril sa Kazakhstan.

“Tuloy lang ako sa training. Hindi ako umuwi sa Zamboanga para makasama ang pamilya ko. Naka-focus talaga ako sa Olympic qualifying tournaments. Pangarap ko talagang makuha ang gold sa Olympics,” ani Diaz. 

HIDILYN DIAZ OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with