^

Mavs ipinagpag ang 76ers

(Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2019 - 12:00am

PHILADELPHIA -- Ipi­na­kita ng Dallas Mavericks na hindi lamang sila isang ‘one-man show’.

Humakot si big man Kris­taps Porzingis ng 22 points at a career-high 18 re­bounds habang may 27 markers si Tim Hardaway Jr. para sa 117-98 pagdaig ng Mavericks laban sa 76ers.

Muling umiskor ang Dallas ng road win laban sa isang Eastern Conference team nang wala si star guard Luka Doncic.

Ito naman ang ikalawang sunod na home loss ng Philadelphia.

Pinaganda ng Ma­ve­ricks ang kanilang road re­cord sa 11-2 kahit wala ang 20-anyos na si Doncic, may right ankle sprain.

Nauna nang tinapos ng Dallas ang 18-game winning streak ng Milwaukee Bucks noong Lunes.

Sa Denver, kumolekta si center Nikola Jokic ng 22 points, 10 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-limang triple-double sa season at tinalo ng Nuggets ang Minnesota Timberwolves, 109-100.

Ito ang pang-walong double-double at ikalawang triple-double ni Jokic sa loob ng isang linggo.

Mayroon siyang 33 career triple-doubles.

Nag-ambag si Jamal Murray ng 28 points, kasama rito ang siyam sa dulo ng third quarter kung saan nalampasan ng Nuggets ang paghahabol ng Tim­ber­wolves.

Sa Oklahoma City, humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 32 points para akayin ang Thunder sa 126-108 paggupo sa Phoenix Suns.

Sa Miami, naglista si Goran Dragic ng 18 points at 8 assists sa kanyang pagbabalik mula sa strained groin para ihatid ang Heat sa 129-114 paggi­ba sa New York Knicks.

DALLAS MAVERICKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with