Bagitong tankers pukpukan sa 167th PSL National Series

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magbabakbakan ang pinakamahuhusay na bagitong tankers mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa gaganaping 167th Philippine Swimming League (PSL) National Series – PSL Christmas Cracker 2019 na idaraos sa Disyembre 22 sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.

Matinding pukpukan ang inaasahang masisilayan sa torneo dahil nakataya ang slots para sa ilang international tournaments sa Amerika, Thailand, United Arab Emi­rates, Singapore, Japan at Canada.

“This competition is open to all. We are not requiring a membership just to be part of the team for our international competitions. As long as you meet the standards and you are willing to represent our country, you are in,” ani PSL President Alexandre Papa.

Nakalaan ang medalya para sa mga magwawa­ging swimmers sa bawat kategorya habang gagawaran din ng Most Outstanding Swimmer awards ang mga nangunguna sa kani-kanilang age band.

Bukod sa pambato ng National Capital Region, darayo rin ang mga koponan mula sa Cebu, Iloilo, Bacolod at Capiz gayundin ang mga teams mula sa Cavite, Davao, Baguio, Laguna, Pampanga, Quezon at Mindoro.

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with