Rose bumida sa panalo ng Pistons laban sa Rockets
HOUSTON -- Nang magkaroon ang Detroit Pistons ng malaking bentahe papasok sa fourth quarter ay alam ni head coach Dwane Casey na babalik ang Rockets.
Ngunit may player siyang masasandalan.
Humugot si Derrick Rose ng 10 sa kanyang 20 points sa final canto para igiya ang Detroit sa 115-107 paggupo sa Houston.
“That’s what you’ve got to have and that’s what his league is about is having players that can create their own shot,” wika ni Casey kay Rose. “And he did that. He was tough downs the stretch.”
Tumipa naman si Luke Kennard ng 22 points para pamunuan ang Pistons.
Isang 9-2 atake ang ginawa ng Rockets para makalapit sa 107-112 sa huling 41 segundo ng laro.
Ngunit nagsalpak si Tony Snell ng dalawang free throws kasunod ang split ni Bruce Brown para selyuhan ang panalo ng Detroit.
Sa Milwaukee, humataw si Giannis Antetokounmpo ng 29 points at nagdagdag si Khris Middleton ng 24 markers para banderahan ang Bucks sa 125-108 pagpapatumba sa Cleveland Cavaliers.
Naipanalo ng Bucks ang 22 sa kanilang huling 23 laro para sa 24-3 marka.
Sa Denver, humakot si center Nikola Jokic ng 28 points, 14 rebounds at 12 assists para sa kanyang ikaapat na triple-double sa season at ihatid ang Nuggets sa 110-102 pananaig sa Oklahoma City Thunder.
Sa Dallas, sinamantala ng Miami Heat ang pagkakaroon ng ankle injury ni star guard Luca Doncic sa first period para sa 122-118 overtime victory.
- Latest